Sunday, 22 July 2012

Pamamaraan ng ating lipunan




Ang mag-asawang sina Titay at Ambrosio sa dulang “Mga Santong Tao” ay nasa isang sitwasyon kung saan sila ay nakakaranas ng kahirapan. Sa dula makikita natin na si Ambrosio ay isang simpleng mambubukid at habang ang kanyang asawa na si Titay ay isang asawa na liniligawan ng tatlong makakapangyarihang lalaki sa kanilang lipunan. Sadyang mahahalata na silay nakakaranas ng kahirapan kaya’t Titay ay nakaisip ng paraan kung papaano niya gagawing mabuti ang panliligaw ng tatlong lalaki sa kanya. Ginamit niya sila upang makakuha ng pera.  Ngunit ikahit isa pa man itong paraan upang makakuha ng pera di sumasangayon dito si Ambrosio dahil kahit di man nga sila nasa tuktok ng estado ng pamumuhay at nagkakaproblema nga sila sa sitwasyong pinansyal, di nya kaya maisip na ang kanyang napakamamahal na asawa ay kasama ang tatlong nanglalaway na lalaki sa kanya. Si Titay naman ang nagbibigay dahilan na hindi niya ipapagpalit kalianman ang pagmamahal niya kay Ambrosio sa isang simpleng kayamanan tulad ng pera kahit ano pa man ang estado nila sa pamumuhay. Makikita natin ang ideya ng dula na ang pagmamahal di kayang mapantayan ng kahit ano sapagkat ang tunay na pag-ibig ay di kailanman kayang mabili ng pera o kahit anong gamit. Halata naman na ang dula ay may pagka-Romantiko kaya’t ayon ito sa mga elemento ng tradisyunal na literatura.

Ang mga nanligaw kay Titay, ang Kura, Sakristan Mayor at ang Piskal, ay nagpakita na labis na pagka-akit sa kanya kahit siya’y di na dalaga. Lubos na ipinakita nila ang kagustuhan na mapasakanila si Tita’y sa pamamaraan ng pagbibigay ng suhol kanya (pera). Ito’y naghihinuha na makapangyarihan talaga at dominante sa lipunan ang mga lalaki at mga taong nasa estado nila.

May tugmaan ang dulang ito ngunit ‘di madaling malaman kung mayroon bang bilang ang dula na ito, sapagkat napakabilis ang pagdadaldal ng mga aktor at mga aktress. Sa pangkalahatang pananaw tunay na naibahagi ng dula ang implikasyon na gusto nitong maipasaisip ng mga manonood.

            “Ang Sistema ni Propesor Tüko”, ang dula na ito ay nagpapakita ng kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon ng ating bansa. Ipinapakita rin nito ang relasyon ng estado ng mga mamayan, si Propesor Tuko ay ang kumakatawan ng mga kapitalista habang ang mga estuyante niya—Bodyok, Ningning, Bondying, at Kiko—ay ang kumakatawan sa mga mangagawa. Patuloy na pinapagalitan at tinatakot ni Propesor Tuko ang kanyang mga estudyante ng mga mababang marka kapag sinasabi nila na magsusumbong sila sa kanilang mga magulang dahil sa tinatago nyang kinolekta na halaga para sa Christmas Party at iba pang mga kaganapan. Nagagalit din siya sa kanila pag-tinatama siya tungkol sa kanyang mga lumang panayam at kapag sila ay nagrereklamo tungkol sa walang silbing mga activities. Ngunit nakaabot din sa punto ang mga estudyante kung saan di na nila nakaya ang pagkatiwali ni Propesor Tuko at ang tunay nilang damdamin tungkol sa mga Gawain niya tuluyang sumiklab.

            Ang konsepto ng tradisyunal na literatura ay sadyang maihahambing sa tula na ito dahil sa limitasyong itinakda. Ang dula rin na to ay di sumusunod sa kahit anong partisan kaya’t ito ay nagkaroon ng malayang taludturan, walang sukat, atbp.

            Sa pangkalahatan ang “Mutya” ay isang paghahalo ng tradisyunal at modernong literatura. Napakaganda ng paghandog ng mga aktor at aktres ng mga ideya na nakapapaloob sa mga dula. Ang dulang “Mga Santong Tao” ay masasabing isang umiikot sa isang tradisyunal na konsepto habang ang dula na “Ang Sistema ni Propersor Tuko” ay nakapapaploob sa konsepto ng modernong literature.

*Labis na pagpapasalamat sa Guidon sa mga larawan.

No comments:

Post a Comment