Sa kabutihang palad, at sa GUIDANCE ni Ginoong Jethro Tenorio paunti-unti naming tinalakay ang koneksyon ng dalawang ito. Una, isipin natin kung bakit ginamit ang mangga bilang representasyon sa tula. Marahil inaasahan ng may-akda na ang mag magiging mambabasa ng tula na ito ay mga Pilipino, sapagkat ang manga na ginamit na representasyon y ang pambansang prutas ng ating bansa. (At least, bandang dito nagkakaroon na ng ideya kung paano ito nagiging inter-related :) Sumunod dito ay ang itsura ng mangga. (WOW. Itsura pala ng mangga ang nagpapakita ng napakalalim na kahulugan ng isang tula. Hahaha.) Balik tayo sa pagiging seryoso, diba't pag bumili tayo ng mangga ang una nating makikita natin ay ang hugis at itsura nito? Kaparehas lang ng pamagat ng tula, diba't pag nakakita tayo ng tula ang una nating tinititigan ay ang pamagat nito? Kinilatis rin namin ang balat upang mailarawan ang texture at hugis nito, at ang katumbas naman nito sa tula ay ang istruktura. Nasa simula pa lang ako ng pagbabahagi ng aking natutunan at natatamad na ako magtype. Ha-ha.
Pag tayo'y nakakakita ng mangga diba't parang palagi itong may pekas at ayon sa may-akda ng tulang "PAYO SA BUMABASA NG TULA" ang pekas na ito ay may sinisimbolo sa tula. Ito ay ang mga kakaibang parte ng tula, sas katunayan di ko masyado ito naintindihan pero parang direct to the point naman ang gustong sabihin nito. Pagkatapos titigan ang mangga ng di naman gaanong katagalan, dumiretso kami sa pagbalat nito. Binigyan namin ito ng isang spesipikong deskripsyon; ano ang direksyon ng pagbalat namin? gaano ba karami ang binabalatan bagon kainin? atbp. Kaunting pag-analysa at naintindihan ko rin na ito ay nagsisimbolo sa rami o sa haba ng tula bago ako ay pansamanatalang huminto sa pagbabasa.
Poetry's Incalculable Interpretations |
Isa pa palang karagdagan sa aking mga natutunan, huwag na huwag palang ngangatain ang mangga tulad ng tubo dahil pag sa mangga kinakailangan mong namanamin ang tamis at asim na nakakapaloob dito tulad ng pagintindi ng tula, di ka lang mag-skiskim reading mag-scascan ka talaga para maintindihan ito. :)
Masaya ang talakayan sa nakaarang miyerkules kahit paos nga si Sir, pero nakaka-badtrip naman na ang baba ng score ko sa bonus quiz. Haha. Hope you didn't get bored sa post ko. Huwag kalimutan, kakaiba ang experience na makukuha mo kung babalatin mo gamit ng kamay mo ang mangga at higit na sa lahat alalahin na masarap ang mangga. Haha. :)
muli, iwasang ulitin lang ang talakayan sa klase. huwag gawing kwaderno ang blog. mas mahalaga ay makita ko kung paano mo ito ilalapat sa isang kasalukuyang halimbawa ng kulturang popular. balikan ang panuto sa silabus. :) - sir
ReplyDelete