|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ang paglalakbay ko sa larangan ng Filipino ay nagsimula noong una naming leksyon tungkol sa panitikan kasama ni Ginoong Jethro Tenorio. Isang activity ang aming ginawa na many layunin na maitala at maipahayag sa klase ang iba't ibang uri ng panitikan na alam namin. Napakasaya ko dahil isa itong "group activitiy" at hindi "individual activity" dahil alam ko na hindi ko kakayanin ang kahit anumang gawain pag ako'y di makakapag-hingi ng tulong sa aking mga kamag-aral. Haha. Napakarami ng mga nobela, tula, dula, maikling kwento, etc. ang mga napahay ng mga grupo. Isa na dito ang Percy Jackson Series isa sa sa aking mga paborito at ang Heroes of Olympus. Nang natapos na ang lahat ng grupo, kami ay nakabuo nang sarili naming interpretasyon kung ano ba ang PANITIKAN. Ako nga ay nagulat sa nabuo na kahulugan sapagkat di ko talaga naisip na ganoon kalawak ang nasasakop ng panitikan. Ito pala'y napapaloob sa dakilang imahinasyon ng tao at higit na sa lahat ito rin ay umiikot sa mga karanasan ng mga manunulat at napakarami pang iba.
Sa katunayan ako ay natatamad sa paggawa ng blog, haha, pero hindi ko alam kung bakit parang ang saya ngayon magbahagi ng mga naalaman ko tungkol sa kasaysayan at mga kahulugan ng panitikan.
Nagsimula pala ito nang magbigay ng kahulugan si aristoteles ng kahulugan para sa panitikan. Ayos sa kanya ang panitikan ay isang simpleng mimesis ng tunay na bagay. Nung una ko yung narinig parang naguluhan ako, paano ba ang panitikan nagiging isang simpleng kopya ng tunay na bagay? Diba't ang panitikanay isang koleksyon lang ng mga salita galing sa mga manunulat? Pero ng aking binigyang isip ang konsepto na gustong ipahayag ni aristoteles nainitindihan ko na rin kung ano ba ang gusto nyang ipahiwatig sa sinabi niya. Ang panitikan ay nagiging mimesis o isang kopya lang ng bagay dahil pinaparanas nito ulit sa ating ang mga bagay sa iba at panibagong paraan. Salamat sa Diyos, ngayong kolehiyo nakakintindi na ako sa mga tinuturo sa akin ng mga Filipino teachers ko. Haha.
Ngunit si Platon ang guro ni Aristoteles ay di sumangayon sa kanyang kahulugan sa panitikan. (Wow. Bakit ayaw niya maniwala kay Aristoteles, tama naman siya diba? ) Ayon sa kanya ang Panitikan ay di isang kopya ng tunay na bagay kungdi isa lamang itong anino ng idea ng tao.
Naguguluhan na ako sa parteng ito, haha, sino ba ang tama? Ang panitikan ba ay anino o kopya? Si Platon o si Aristoteles? Pero dahil sa magaling na pagpapaliwanag ni Sir Jethro sa amin, kami ay nakapag-gawa ng sarili naming kahulugan ng Panitikan. Ito ay ang koleksyon ng mga malikhaing representasyon ng may akda sa realidad gamit ang wika, at bukas sa interpretasyon ng lahat.
Keep checking my blog because there are still a lot things i want to tell you guys! :)
And now the music video of the week, enjoy! :)
huwag lang basta maglagay ng video. ilapat dito ang natutuhan sa klase. - sir tenorio
ReplyDelete