Isa sa mga bagong pelikula na ipinalabas sa mga sinema noong nakaraang linggo ay ang Ice Age 4: Continental Drift. Ito ay tungkol sa tatlong protagonista sa istorya na sina Manny, Diego at Sid. Sila ay pumasok sa isang dakilang paglalakbay pagkatapos ng isang kataklismo na nagtatakda ng isang buong kontinente. Dahil nga sa kataklismo sila ay napahiwalay sa kanilang pamilya (herd) at ngayon sila ay gumagamit ng isang parte ng iceberg bilang isang bangka para sa kanilang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito sila ay nakasagupa ng mga pirata na tinangkaang pilitin si Manny na maging parte ng kanilang tripulante. Di naman sumangayon si manny dahil plano niyang bumalik sa kanyang pamilya kaya't tinangkaan ng pirata na si GUTT na patayin ang lola ni Sid para gawin itong katalista na magpupursigi kay Manny na sumali sa kanilang tripulante. Sa mabilis na pagiisip ni Manny at Diego sila ay nakatakas sa mga tali na gumapos sa kanila at sinira nila ang barko ni Gutt at tumuloy sa kanilang paglalakbay.
Si Gutt ay di pumayag sa ginawa nila Manny at nagsumpa na siya ay maghihigante sa kanila. Sila manny naman ay napapad sa isang isla at sila'y nagisip ng paraan kung papaano sila makakaalis sa isla na iyon at makapunta kung saan naghihintay ang kaniyang pamilya. Sa masama at sa kapaki-pakinabang na pagkakataon doon din napapadpad sila Gutt at ang kanyang mga tripulante. Sila ay nakagawa ng plano kung papaano nakawin ang barko na bagong gawa ng mga tripulante ni Gutt at dumiresto sila sa Land Bridge kung saan dapat naghihintay ang kaniyang pamilya.
Di ko na itutuloy ang pagsabi ng mga nang mga pangyayari sa pelikula dahil ayaw ko naman maging spoiler ng masyado. HAHA. Ang pelikula na ito ay nagpapakita ng mga katangian ng tradisyunal na panitikan. Isa nito ay ang pagiging istiryutipiko sa mga tauhan, kung saan ang tauhan ay nagiging oposisyon ng masama o mabuti. Nangyayari ito sa mga tradisyunal na panitikan dahil kinakailangan na madaling makilala ang pagkakaiba ng protagonista at antagonista sa pelikula man o istorya. Ito ay naggawa sa Ice Age 4 sa pamamagitan ng pabigay kay Gut ng mga kinaugaliang katangian ng mga kontrabida tulad ng pangit na mukha, buff na katawan, at pagiging itim ng kanyang balahibo. Ang katangian naman ng tradisyunal na tula na masasabi ko ring naipakita sa tula ay ang pagiging istiryutipiko na may kaugnayan sa kasarian, alang-alang sa pagiging patriarkal. Nagpapakita rin ito ng pagiging Didaktiko. Kahit wala nga akong binanggit na kahit ano na magpapakita sa katangian na ito sa pelikula maiintindihan rin ninyo ang aking sinasabi kapag pinanood na ninyo ang Ice Age 4 . Hint na lang ang aking maiibibigay sainyo ngayon, ang pagiging istiryutipiko sa kasarian ay tungkol kay Diego at ang pagiging didaktiko ay tungkol sa anak ni Manny. Haha ;)
Ang Ice Age 4 ay isang napakagandang halimbawa ng isang pelikula na may mga katangiang pang tradisyunal na panitikan, ngunit di lang ito ang nakakapapaloob sa pelikula na ito komedya, moral lessons atbp ang naipapamalas ng pelikula na ito. Ako'y umaasa na papanoorin din ninyo ang Ice Age 4, nangangako ako di kayo magsisi. :)
No comments:
Post a Comment