Sunday, 29 July 2012

Istiryutipiko ang tradisyunal na panitikan?!













      Isa sa mga bagong pelikula na ipinalabas sa mga sinema noong nakaraang linggo ay ang Ice Age 4: Continental Drift. Ito ay tungkol sa tatlong protagonista sa istorya na sina Manny, Diego at Sid. Sila ay  pumasok sa isang dakilang paglalakbay pagkatapos ng isang kataklismo na nagtatakda ng isang buong kontinente. Dahil nga sa kataklismo sila ay napahiwalay sa kanilang pamilya (herd) at ngayon sila ay gumagamit ng isang parte ng iceberg bilang isang bangka para sa kanilang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito sila ay nakasagupa ng mga pirata na tinangkaang pilitin si Manny na maging parte ng kanilang tripulante. Di naman sumangayon si manny dahil plano niyang bumalik sa kanyang pamilya kaya't tinangkaan ng pirata na si GUTT na patayin ang lola ni Sid para gawin itong katalista na magpupursigi kay Manny na sumali sa kanilang tripulante. Sa mabilis na pagiisip ni Manny at Diego sila ay nakatakas sa mga tali na gumapos sa kanila at sinira nila ang barko ni Gutt at tumuloy sa kanilang paglalakbay.






         Si Gutt ay di pumayag sa ginawa nila Manny at nagsumpa na siya ay maghihigante sa kanila. Sila manny naman ay napapad sa isang isla at sila'y nagisip ng paraan kung papaano sila makakaalis sa isla na iyon at makapunta kung saan naghihintay ang kaniyang pamilya. Sa masama at sa kapaki-pakinabang na pagkakataon doon din napapadpad sila Gutt at ang kanyang mga tripulante. Sila ay nakagawa ng plano kung papaano nakawin ang barko na bagong gawa ng mga tripulante ni Gutt at dumiresto sila sa Land Bridge kung saan dapat naghihintay ang kaniyang pamilya.


         Di ko na itutuloy ang pagsabi ng mga nang mga pangyayari sa pelikula dahil ayaw ko naman maging spoiler ng masyado. HAHA. Ang pelikula na ito ay nagpapakita ng mga katangian ng tradisyunal na panitikan. Isa nito ay ang pagiging istiryutipiko sa mga tauhan, kung saan ang tauhan ay nagiging oposisyon ng masama o mabuti. Nangyayari ito sa mga tradisyunal na panitikan dahil kinakailangan na madaling makilala ang pagkakaiba ng protagonista at antagonista sa pelikula man o istorya. Ito ay naggawa sa Ice Age 4 sa pamamagitan ng pabigay kay Gut ng mga kinaugaliang katangian ng mga kontrabida tulad ng pangit na mukha, buff na katawan, at pagiging itim ng kanyang balahibo. Ang katangian naman ng tradisyunal na tula na masasabi ko ring naipakita sa tula ay ang pagiging istiryutipiko na may kaugnayan sa kasarian, alang-alang sa pagiging patriarkal. Nagpapakita rin ito ng pagiging Didaktiko. Kahit wala nga  akong binanggit na kahit ano na magpapakita sa katangian na ito sa pelikula maiintindihan rin ninyo ang aking sinasabi kapag pinanood na ninyo ang Ice Age 4  . Hint na lang ang aking maiibibigay sainyo ngayon, ang pagiging istiryutipiko sa kasarian ay tungkol kay Diego at ang pagiging didaktiko ay tungkol sa anak ni Manny. Haha ;)





        Ang Ice Age 4 ay isang napakagandang halimbawa ng isang pelikula na may mga katangiang pang tradisyunal na panitikan, ngunit di lang ito ang nakakapapaloob sa pelikula na ito komedya, moral lessons atbp ang naipapamalas ng pelikula na ito. Ako'y umaasa na papanoorin din ninyo ang Ice Age 4, nangangako ako di kayo magsisi. :)





Sunday, 22 July 2012

Pamamaraan ng ating lipunan




Ang mag-asawang sina Titay at Ambrosio sa dulang “Mga Santong Tao” ay nasa isang sitwasyon kung saan sila ay nakakaranas ng kahirapan. Sa dula makikita natin na si Ambrosio ay isang simpleng mambubukid at habang ang kanyang asawa na si Titay ay isang asawa na liniligawan ng tatlong makakapangyarihang lalaki sa kanilang lipunan. Sadyang mahahalata na silay nakakaranas ng kahirapan kaya’t Titay ay nakaisip ng paraan kung papaano niya gagawing mabuti ang panliligaw ng tatlong lalaki sa kanya. Ginamit niya sila upang makakuha ng pera.  Ngunit ikahit isa pa man itong paraan upang makakuha ng pera di sumasangayon dito si Ambrosio dahil kahit di man nga sila nasa tuktok ng estado ng pamumuhay at nagkakaproblema nga sila sa sitwasyong pinansyal, di nya kaya maisip na ang kanyang napakamamahal na asawa ay kasama ang tatlong nanglalaway na lalaki sa kanya. Si Titay naman ang nagbibigay dahilan na hindi niya ipapagpalit kalianman ang pagmamahal niya kay Ambrosio sa isang simpleng kayamanan tulad ng pera kahit ano pa man ang estado nila sa pamumuhay. Makikita natin ang ideya ng dula na ang pagmamahal di kayang mapantayan ng kahit ano sapagkat ang tunay na pag-ibig ay di kailanman kayang mabili ng pera o kahit anong gamit. Halata naman na ang dula ay may pagka-Romantiko kaya’t ayon ito sa mga elemento ng tradisyunal na literatura.

Ang mga nanligaw kay Titay, ang Kura, Sakristan Mayor at ang Piskal, ay nagpakita na labis na pagka-akit sa kanya kahit siya’y di na dalaga. Lubos na ipinakita nila ang kagustuhan na mapasakanila si Tita’y sa pamamaraan ng pagbibigay ng suhol kanya (pera). Ito’y naghihinuha na makapangyarihan talaga at dominante sa lipunan ang mga lalaki at mga taong nasa estado nila.

May tugmaan ang dulang ito ngunit ‘di madaling malaman kung mayroon bang bilang ang dula na ito, sapagkat napakabilis ang pagdadaldal ng mga aktor at mga aktress. Sa pangkalahatang pananaw tunay na naibahagi ng dula ang implikasyon na gusto nitong maipasaisip ng mga manonood.

            “Ang Sistema ni Propesor Tüko”, ang dula na ito ay nagpapakita ng kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon ng ating bansa. Ipinapakita rin nito ang relasyon ng estado ng mga mamayan, si Propesor Tuko ay ang kumakatawan ng mga kapitalista habang ang mga estuyante niya—Bodyok, Ningning, Bondying, at Kiko—ay ang kumakatawan sa mga mangagawa. Patuloy na pinapagalitan at tinatakot ni Propesor Tuko ang kanyang mga estudyante ng mga mababang marka kapag sinasabi nila na magsusumbong sila sa kanilang mga magulang dahil sa tinatago nyang kinolekta na halaga para sa Christmas Party at iba pang mga kaganapan. Nagagalit din siya sa kanila pag-tinatama siya tungkol sa kanyang mga lumang panayam at kapag sila ay nagrereklamo tungkol sa walang silbing mga activities. Ngunit nakaabot din sa punto ang mga estudyante kung saan di na nila nakaya ang pagkatiwali ni Propesor Tuko at ang tunay nilang damdamin tungkol sa mga Gawain niya tuluyang sumiklab.

            Ang konsepto ng tradisyunal na literatura ay sadyang maihahambing sa tula na ito dahil sa limitasyong itinakda. Ang dula rin na to ay di sumusunod sa kahit anong partisan kaya’t ito ay nagkaroon ng malayang taludturan, walang sukat, atbp.

            Sa pangkalahatan ang “Mutya” ay isang paghahalo ng tradisyunal at modernong literatura. Napakaganda ng paghandog ng mga aktor at aktres ng mga ideya na nakapapaloob sa mga dula. Ang dulang “Mga Santong Tao” ay masasabing isang umiikot sa isang tradisyunal na konsepto habang ang dula na “Ang Sistema ni Propersor Tuko” ay nakapapaploob sa konsepto ng modernong literature.

*Labis na pagpapasalamat sa Guidon sa mga larawan.

Thursday, 12 July 2012

ANG PAGKAIN NG MANGGA AY PARANG PAGBASA NG TULA?!




            Nung nalaman ko ang layunin ng tula, di talaga ako makapaniwala na maari palang ipaghambing ang pagkain ng mangga sa pagbasa ng tula. Ha-ha. Sa una, ako'y natawa dahil wala talaga akong maisip na paraan kung paano magagawa ng isang manunulat na ipaghalintulad ang dalawang napakakaibang gawain. Ano, kakainin ng isang mambabasa ang papel kung saan nakasulat ang tula at nanamnamin ito upang maintindihan ang tunay na kahuluhan nito? LOL XD



           Sa kabutihang palad, at sa GUIDANCE ni Ginoong Jethro Tenorio paunti-unti naming tinalakay ang koneksyon ng dalawang ito. Una, isipin natin kung bakit ginamit ang mangga bilang representasyon sa tula. Marahil inaasahan ng may-akda na ang mag magiging mambabasa ng tula na ito ay mga Pilipino, sapagkat ang manga na ginamit na representasyon y ang pambansang prutas ng ating bansa. (At least, bandang dito nagkakaroon na ng ideya kung paano ito nagiging inter-related :) Sumunod dito ay ang itsura ng mangga. (WOW. Itsura pala ng mangga ang nagpapakita ng napakalalim na kahulugan ng isang tula. Hahaha.) Balik tayo sa pagiging seryoso, diba't pag bumili tayo ng mangga ang una nating makikita natin ay ang hugis at itsura nito? Kaparehas lang ng pamagat ng tula, diba't pag nakakita tayo ng tula ang una nating tinititigan ay ang pamagat nito? Kinilatis rin namin ang balat upang mailarawan ang texture at hugis nito, at ang katumbas naman nito sa tula ay ang istruktura. Nasa simula pa lang ako ng pagbabahagi ng aking natutunan at natatamad na ako magtype. Ha-ha.


           Pag tayo'y nakakakita ng mangga diba't parang palagi itong may pekas at ayon sa may-akda ng tulang "PAYO SA BUMABASA NG TULA" ang pekas na ito ay may sinisimbolo sa tula. Ito ay ang mga kakaibang parte ng tula, sas katunayan di ko masyado ito naintindihan pero parang direct to the point naman ang gustong sabihin nito. Pagkatapos titigan ang mangga ng di naman gaanong katagalan, dumiretso kami sa pagbalat nito. Binigyan namin ito ng isang spesipikong deskripsyon; ano ang direksyon ng pagbalat namin? gaano ba karami ang binabalatan bagon kainin? atbp. Kaunting pag-analysa at naintindihan ko rin na ito ay nagsisimbolo sa rami o sa haba ng tula bago ako ay pansamanatalang huminto sa pagbabasa.

Poetry's Incalculable Interpretations
           Para matapos na itong KRINAM na post para sa aking blog [ JOKE LANG :P :) ] papagusapan ko na ang pagsimbolo buto sa tula at ang dalawang uri ng payo na ibinigay ng may-akda sa tula. Diba't ang buto ay mahahanap sa ialalim ng laman ng mangga? Katulad rin ito ng kahulugan ng isang tula, ang tunay na kahulugan ng isang tula ay mahahanap sa mga salitang nakalapad sa itaas nito. Ang kahulugan na ito ay mahahanap sa ilalim ng mga salitang nakakapaloob n tula at nahuhukay lang ito pagkatapos na isang masusing pagbabasa at pagiintindi. Kapag mahanap mo na ang kahulugan ng isang tula, dapat isaisip na iisa lang ang kahulugan ng bawat tula ngunit ang interpretasyon mo nito ay maaring di kasing tulad ng sa iba. (FINALLY, LAST NA TO ) Ang PAYO, ayon kay Ginoong Tenorio ay may dalawang klase. Ang una na uri ay ang prescriptive, ito ay ang klase ng payo na nagmumungkahi tungkol sa dapat mong gawin at ang pangalawang uri naman ay ang preventive kung saan ito ay nagmumungkahi sa di dapat gawin.

           Isa pa palang karagdagan sa aking mga natutunan, huwag na huwag palang ngangatain ang mangga tulad ng tubo dahil pag sa mangga kinakailangan mong namanamin ang tamis at asim na nakakapaloob dito tulad ng pagintindi ng tula, di ka lang mag-skiskim reading mag-scascan ka talaga para maintindihan ito. :)

             Masaya ang talakayan sa nakaarang miyerkules kahit paos nga si Sir, pero nakaka-badtrip naman na ang baba ng score ko sa bonus quiz. Haha. Hope you didn't get bored sa post ko. Huwag kalimutan, kakaiba ang experience na makukuha mo kung babalatin mo gamit ng kamay mo ang mangga at higit na sa lahat alalahin na masarap ang mangga. Haha. :)
       

Wednesday, 4 July 2012

The Chosen One Writing in Filipino XD

     
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||

Panitikan? ANO BA ITO?!
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ang paglalakbay ko sa larangan ng Filipino ay nagsimula noong una naming leksyon tungkol sa panitikan kasama ni Ginoong Jethro Tenorio.  Isang activity ang aming ginawa na many layunin na maitala at maipahayag sa klase ang iba't ibang uri ng panitikan na alam namin. Napakasaya ko dahil isa itong "group activitiy" at hindi "individual activity" dahil alam ko na hindi ko kakayanin ang kahit anumang gawain pag ako'y di makakapag-hingi ng tulong sa aking mga kamag-aral. Haha. Napakarami ng mga nobela, tula, dula, maikling kwento, etc. ang mga napahay ng mga grupo. Isa na dito ang Percy Jackson Series isa sa sa aking mga paborito at ang Heroes of Olympus. Nang natapos na ang lahat ng grupo, kami ay nakabuo nang sarili naming interpretasyon kung ano ba ang PANITIKAN.  Ako nga ay nagulat sa nabuo na kahulugan sapagkat di ko talaga naisip na ganoon kalawak ang nasasakop ng panitikan. Ito pala'y napapaloob sa dakilang imahinasyon ng tao at higit na sa lahat ito rin ay umiikot sa mga karanasan ng mga manunulat at napakarami pang iba. 
      Sa katunayan ako ay natatamad sa paggawa ng blog, haha, pero hindi ko alam kung bakit parang ang saya ngayon magbahagi ng mga naalaman ko tungkol sa kasaysayan at mga kahulugan ng panitikan.
       Nagsimula pala ito nang magbigay ng kahulugan si aristoteles ng kahulugan para sa panitikan. Ayos sa kanya ang panitikan ay isang simpleng mimesis ng tunay na bagay. Nung una ko yung narinig parang naguluhan ako, paano ba ang panitikan nagiging isang simpleng kopya ng tunay na bagay? Diba't ang panitikanay  isang koleksyon lang ng mga salita galing sa mga manunulat? Pero ng aking binigyang isip ang konsepto na gustong ipahayag ni aristoteles nainitindihan ko na rin kung ano ba ang gusto nyang ipahiwatig sa sinabi niya. Ang panitikan ay nagiging mimesis o isang kopya lang ng bagay dahil pinaparanas nito ulit sa ating ang mga bagay sa iba at panibagong paraan. Salamat sa Diyos, ngayong kolehiyo nakakintindi na ako sa mga tinuturo sa akin ng mga Filipino teachers ko. Haha.
      Ngunit si Platon ang guro ni Aristoteles ay di sumangayon sa kanyang kahulugan sa panitikan. (Wow. Bakit ayaw niya maniwala kay Aristoteles, tama naman siya diba? ) Ayon sa kanya ang Panitikan ay di isang kopya ng tunay na bagay kungdi isa lamang itong anino ng idea ng tao. 
      Naguguluhan na ako sa parteng ito, haha, sino ba ang tama? Ang panitikan ba ay anino o kopya?  Si Platon o si Aristoteles? Pero dahil sa magaling na pagpapaliwanag ni Sir Jethro sa amin, kami ay nakapag-gawa ng sarili naming kahulugan ng Panitikan. Ito ay ang koleksyon ng mga malikhaing representasyon ng may akda sa realidad gamit ang wika, at bukas sa interpretasyon ng lahat.
     Keep checking my blog because there are still a lot things i want to tell you guys! :)



And now the music video of the week, enjoy! :)