Saturday, 29 September 2012

Kung wala ka, wala din ako. LOL :)




Sabi ng mga tao na nakapalibot sa akin na dapat humangad lang ako ng simpleng buhay. Sabi nila na basta't mayroon ka na ng mga kinakailangan mo maging kuntento ka na, huwag ka nang humingi ng iba at higit na sa lahat huwag mo na gawing kumplikado ang buhay mo. Ngunit, papaano ba nila mabibigyang kahulugan ang tunay na konsepto ng simpleng buhay? Papaano ba nila masasabi na ang buhay ay simple kung ang bawat indibidwal ay nahuhulog sa kaisipang komodipikasyon?

Masaya ang buhay ko. LOL :) Wala akong masyadong mga problema at sadyang may pagka-materialistic ko. Masaya ako kapag nakukuha ko ang mga gamit na gusto ko at kapag nakikita ko na mayroon ako ng gamit na "in" at trending sa social cliches na parte ako. Minsan napapa-deny rin ako na di ako materialistic dahil masama nga raw ito pero mahirap baguhin ito. Dahil dito di maiiwasan ang pagisip na commodified na talaga ang buhay ko. HAHA. Parang masama nga pag paisipan na nacocomodify na masyado ang buhay ko pero sino ba ang hindi na-comodify? Sino ba ang hindi nagbibigay ng halaga sa mga bagay na wala namang halaga talaga? Sinong di nagiging sentimental?

Ang mga bagay na tulad ng pagkain at damit ay normal na sa bawat indibidwal pero di dun nagtatapos ang mga kailangan ko para maging masaya at maging kuntento talaga sa buhay ko. Ang cellphone, laptops, baon, atbp. ay mga halimbawa ng mga gamtit na higit na bumubuo at nagpapaikot sa buhay ko. 

Pero di ko naman sinasabi na ang buhay ko ay umaasa lang sa mga commodities na ito. Ngunit kung di man ito naging parte ng buhay ko di ko namang masasabi na ganito pa rin ako. Bakit? Dahil sa simula pa ng buhay ko umiikot na ako sa mga commodities na ito, kung mawala ito ngayon mahirap maka-cope up dahil parte na ito  ng everyday life ko. 

Ang buhay ko at kahit ang buhay ng iba ay sooner or later babagsak sa pagiging fully dependent sa mga commodities na ito para lang gumalaw ang buhay. Mahihinuha ito sa video na ito:

http://www.youtube.com/watch?feature=player_detailpage&v=URaiVEY9QZU


Salamat sa pagbasa ng blog ko! Til I post again! XD :)

Tuesday, 4 September 2012

Buhay kong aking mahal XD

 My life is full of metanarratives. -_-


Una sa lahat nung isang araw ko lang narinig ang salita na "Metanarrative" kaya sa tingin ko baka di rin ninyo alam kung ano ang kahulugan nito. Ang Metanarrative ayon kay Lyotard as isang type ng grand narrative. Ang konsepto ng grand narrative ay umiikot sa kaisipan na ang lahat na mga pangyayari na naganap ay mayroong interconnection.

Ang aking buhay ayg puno pala ng mga Metanarratives! Isang halimbawa na makikita sa akin at sa aking mga kamagaral ay ang metanarative na ang pagtatapos sa pagaaral ay magbibigay sa atin ng trabaho. Itong pagiisip na ito ay matagal ng nakatatak  sa mga kaisipan ng bawat indibidwal sa simula pala ng buhay nila. Minsan nga di mo alam na ang buhay mo pala ay umiikot sa mga "grand narratives" na mga ito.


Ang iba pang halimbawa ng mga metanarrative sa aking buhay ay ang pagiisip na bilang isang tao tayo ay natural na mayroong kasalanan ngunit bilang Kristiyano mayroong paraan para makamit ang kapayapaan pagkatapos ng buhay na ito, ang paraan na ito ay kaligtasan sa pamamgitan ng pagtanggap kay Kristo. Itong metanarrative na ito ay di lang makikita sa akin sapagkat ang ating bansa, na halata  namang may Katolikong impluwensya, ay kasama din sa konsepto ng ganitong metanarrative.

At ang panghuli ko namang halimbawa ng metanarrative sa aking buhay ay ang pagiisip na : Do good unto others and in the end they will also be good unto you. Ang metanarrative na ito ay sadyang humuhugis sa aking pagkatao at kahit nga parang di na uso ang ganitong pagiisip sa kasalukuyang panahon natin ito pa rin ay isang importanteng aspeto ng aking pagtingin sa mga kapwa kamagaral, kaibigan, atbp.

Makikita natin dito sa metanarratives na aking mga ipinahayag na ang mga pagkadugtong-dugtong ng mga pangyayari ay mayroong malalim na koneksyon. Ngunit di ba't parang ang boring ng buhay kung alam mo na kung ano ang mangyayari sa huli? Di ba't parang napakbabaw ng ating kaligayahan na makukuha sa mga karanasang ating alam na nating makukuha? What's life if you don't have risks? At ang risks na aking sinasabi ay di makukuha kung alam mo ang mga susunod na mangyari. Ang mga grand narratives na aking mga ipinahayag kanina ay tunay at di talaga maalis sa bawat buhay ng isang tao ngunit di kinakailangan umiikot lang dito ang buhay natin. We should try to live in a world where nobody knows what to expect :)

Thursday, 23 August 2012

Tinikling. Tradisyunal. Madapa. Masakit.



Naranasan mo na bang sumayaw ng tinikling? Eh, kung hindi pa i strongly suggest na huwag mo subukan dahil pag namali ka sa isang step sa sayaw na ito masakit na masakit sa paa especially kung mabilis ang pagbukas at pagsarado ng dalawang kahoy ng bamboo. Napakarami na ng beses na nadapa ako dito at kung hindi lang talaga sa P.E. ko noong hayskul hindi sana ako sumubok na aralin ang sayaw na ito. Pero joke lang naman. :)) Ang tinikling ay isa sa mga pinakaluma nating folk dances, at ang imahe na nasa taas ay nagpapakita ng isang lalake at isang babae na sumasayaw nit sa harap ng mga kababayan nila na posibleng mga kapitbahay nila sa kanilang nayon.

Masasabi natin na ang nagiisang imahe na makikita ninyo sa post na ito ay tradisyunal sa mga sumusunod na punto. Una, ang lokasyon pa lang nito ay diretsong naglalahad sa atin at sa mga iba  pang nakakita na nito na ito'y tradisyunal. Sila ay mahahanap sa isang nayon na katabi lang ng isang sakahan na mahihinuha natin sa haystack na katabi nila. Pangalawa, mayroon tayong makikita na simbahan sa background na alam nating isang institusyong tradisyunal. Ang simbahan, specifically  and katolikong simbahan ay patuloy pa ring nagbibigay sa atin ng ideya na  ito ay parte ng tradisyunal na kultura at ang mga gawain nito ay tunay na umiikot sa mga obligasyon at responsibilidad ng mga mamayan. Mukhang lumalayo na ako ng kaunti sa imahe, haha. Balik nga tayo >.<

Ang mga baryo noong panahon ay mga napakaliit at kung mayroong mga events o kahit ano pa mang di masyado normal sa isang araw lahat ay madaling magkagulo. At pagkakaroon ng characteristic nito ng mga baryo ay higit na makikita sa imahe na ito. Ang mga nag-titinikling ay pinapalibutan ng mga bata, mambibili, trabahador, atbp.. Naipapakita din dito sa imahe na ito na parang may pagkatao silang bunga sa responsibilida sa iba. Bilang mga performers sila ay nagkakaroon ng isang personal na responsibiliad na i-enterteyn sila sapagkat sila ay ang kanilang audience at habang patuloy na pumapalakpak sila sa kanilang mga ginagawa patuloy ding tumataas ang lebel ng gana nila na magsayaw.

Sa huli, tunay na masasabi nating tradisyunal talaga ang imahe na ito. Pero seryoso, wala akong nakita na mga sugat sa mga paa ng mga sumasayaw. Imposible na mangyari yun sa tunay na buhay dahil NAPAKAHIRAP mag-praktis nyan. haha.


Friday, 3 August 2012

Yeah XD :)) (Organikong Kaisahan)

Isa sa mga proseso 
sa paggawa ng laptop
Mga Parte ng laptop na kailangang may
organikong kaisahan  kungdi di gagana ang laptop.
   Anumang bagay man ang meron tayo, dumadaan ito sa isang importanteng proseso para ma-produce ito. Isang halimbawa ay ang laptop, napakaraming proseso ang kinakailangang gawin upang matapos ang final na product(laptop) at kung mayroon mang pagkakamali sa mga prosesong ito, o kahit anong discrepancy ay di gagana ang laptop.

    Ito ay higit na katulad ng pagkakaroon ng organikong kaisahan ng mga kwento. Kung walang organikong kaisahan ang isang kwento, di pare-parehas ang mga elemento nito. Pag nangyayari ito, parang nagiging hazy ang concept ng story, parang di mo talaga ma-gegets kung ano ang gusto ipahiwatig ng may-akda sayo.

Ang mangyayari sa laptop
kung walang organikong kaisahan.
   Ang organikong kaisahan ay isang importanteng quality ng isang kwento, dahil kung wala ito parang walang sense naman ang pagbasa nito. Tulad ng laptop, kung sira ang motherboard nito, mas mabuti na bumili ka na lang ng bago dahil di mo naman na magagamit iyan.








Sunday, 29 July 2012

Istiryutipiko ang tradisyunal na panitikan?!













      Isa sa mga bagong pelikula na ipinalabas sa mga sinema noong nakaraang linggo ay ang Ice Age 4: Continental Drift. Ito ay tungkol sa tatlong protagonista sa istorya na sina Manny, Diego at Sid. Sila ay  pumasok sa isang dakilang paglalakbay pagkatapos ng isang kataklismo na nagtatakda ng isang buong kontinente. Dahil nga sa kataklismo sila ay napahiwalay sa kanilang pamilya (herd) at ngayon sila ay gumagamit ng isang parte ng iceberg bilang isang bangka para sa kanilang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito sila ay nakasagupa ng mga pirata na tinangkaang pilitin si Manny na maging parte ng kanilang tripulante. Di naman sumangayon si manny dahil plano niyang bumalik sa kanyang pamilya kaya't tinangkaan ng pirata na si GUTT na patayin ang lola ni Sid para gawin itong katalista na magpupursigi kay Manny na sumali sa kanilang tripulante. Sa mabilis na pagiisip ni Manny at Diego sila ay nakatakas sa mga tali na gumapos sa kanila at sinira nila ang barko ni Gutt at tumuloy sa kanilang paglalakbay.






         Si Gutt ay di pumayag sa ginawa nila Manny at nagsumpa na siya ay maghihigante sa kanila. Sila manny naman ay napapad sa isang isla at sila'y nagisip ng paraan kung papaano sila makakaalis sa isla na iyon at makapunta kung saan naghihintay ang kaniyang pamilya. Sa masama at sa kapaki-pakinabang na pagkakataon doon din napapadpad sila Gutt at ang kanyang mga tripulante. Sila ay nakagawa ng plano kung papaano nakawin ang barko na bagong gawa ng mga tripulante ni Gutt at dumiresto sila sa Land Bridge kung saan dapat naghihintay ang kaniyang pamilya.


         Di ko na itutuloy ang pagsabi ng mga nang mga pangyayari sa pelikula dahil ayaw ko naman maging spoiler ng masyado. HAHA. Ang pelikula na ito ay nagpapakita ng mga katangian ng tradisyunal na panitikan. Isa nito ay ang pagiging istiryutipiko sa mga tauhan, kung saan ang tauhan ay nagiging oposisyon ng masama o mabuti. Nangyayari ito sa mga tradisyunal na panitikan dahil kinakailangan na madaling makilala ang pagkakaiba ng protagonista at antagonista sa pelikula man o istorya. Ito ay naggawa sa Ice Age 4 sa pamamagitan ng pabigay kay Gut ng mga kinaugaliang katangian ng mga kontrabida tulad ng pangit na mukha, buff na katawan, at pagiging itim ng kanyang balahibo. Ang katangian naman ng tradisyunal na tula na masasabi ko ring naipakita sa tula ay ang pagiging istiryutipiko na may kaugnayan sa kasarian, alang-alang sa pagiging patriarkal. Nagpapakita rin ito ng pagiging Didaktiko. Kahit wala nga  akong binanggit na kahit ano na magpapakita sa katangian na ito sa pelikula maiintindihan rin ninyo ang aking sinasabi kapag pinanood na ninyo ang Ice Age 4  . Hint na lang ang aking maiibibigay sainyo ngayon, ang pagiging istiryutipiko sa kasarian ay tungkol kay Diego at ang pagiging didaktiko ay tungkol sa anak ni Manny. Haha ;)





        Ang Ice Age 4 ay isang napakagandang halimbawa ng isang pelikula na may mga katangiang pang tradisyunal na panitikan, ngunit di lang ito ang nakakapapaloob sa pelikula na ito komedya, moral lessons atbp ang naipapamalas ng pelikula na ito. Ako'y umaasa na papanoorin din ninyo ang Ice Age 4, nangangako ako di kayo magsisi. :)





Sunday, 22 July 2012

Pamamaraan ng ating lipunan




Ang mag-asawang sina Titay at Ambrosio sa dulang “Mga Santong Tao” ay nasa isang sitwasyon kung saan sila ay nakakaranas ng kahirapan. Sa dula makikita natin na si Ambrosio ay isang simpleng mambubukid at habang ang kanyang asawa na si Titay ay isang asawa na liniligawan ng tatlong makakapangyarihang lalaki sa kanilang lipunan. Sadyang mahahalata na silay nakakaranas ng kahirapan kaya’t Titay ay nakaisip ng paraan kung papaano niya gagawing mabuti ang panliligaw ng tatlong lalaki sa kanya. Ginamit niya sila upang makakuha ng pera.  Ngunit ikahit isa pa man itong paraan upang makakuha ng pera di sumasangayon dito si Ambrosio dahil kahit di man nga sila nasa tuktok ng estado ng pamumuhay at nagkakaproblema nga sila sa sitwasyong pinansyal, di nya kaya maisip na ang kanyang napakamamahal na asawa ay kasama ang tatlong nanglalaway na lalaki sa kanya. Si Titay naman ang nagbibigay dahilan na hindi niya ipapagpalit kalianman ang pagmamahal niya kay Ambrosio sa isang simpleng kayamanan tulad ng pera kahit ano pa man ang estado nila sa pamumuhay. Makikita natin ang ideya ng dula na ang pagmamahal di kayang mapantayan ng kahit ano sapagkat ang tunay na pag-ibig ay di kailanman kayang mabili ng pera o kahit anong gamit. Halata naman na ang dula ay may pagka-Romantiko kaya’t ayon ito sa mga elemento ng tradisyunal na literatura.

Ang mga nanligaw kay Titay, ang Kura, Sakristan Mayor at ang Piskal, ay nagpakita na labis na pagka-akit sa kanya kahit siya’y di na dalaga. Lubos na ipinakita nila ang kagustuhan na mapasakanila si Tita’y sa pamamaraan ng pagbibigay ng suhol kanya (pera). Ito’y naghihinuha na makapangyarihan talaga at dominante sa lipunan ang mga lalaki at mga taong nasa estado nila.

May tugmaan ang dulang ito ngunit ‘di madaling malaman kung mayroon bang bilang ang dula na ito, sapagkat napakabilis ang pagdadaldal ng mga aktor at mga aktress. Sa pangkalahatang pananaw tunay na naibahagi ng dula ang implikasyon na gusto nitong maipasaisip ng mga manonood.

            “Ang Sistema ni Propesor Tüko”, ang dula na ito ay nagpapakita ng kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon ng ating bansa. Ipinapakita rin nito ang relasyon ng estado ng mga mamayan, si Propesor Tuko ay ang kumakatawan ng mga kapitalista habang ang mga estuyante niya—Bodyok, Ningning, Bondying, at Kiko—ay ang kumakatawan sa mga mangagawa. Patuloy na pinapagalitan at tinatakot ni Propesor Tuko ang kanyang mga estudyante ng mga mababang marka kapag sinasabi nila na magsusumbong sila sa kanilang mga magulang dahil sa tinatago nyang kinolekta na halaga para sa Christmas Party at iba pang mga kaganapan. Nagagalit din siya sa kanila pag-tinatama siya tungkol sa kanyang mga lumang panayam at kapag sila ay nagrereklamo tungkol sa walang silbing mga activities. Ngunit nakaabot din sa punto ang mga estudyante kung saan di na nila nakaya ang pagkatiwali ni Propesor Tuko at ang tunay nilang damdamin tungkol sa mga Gawain niya tuluyang sumiklab.

            Ang konsepto ng tradisyunal na literatura ay sadyang maihahambing sa tula na ito dahil sa limitasyong itinakda. Ang dula rin na to ay di sumusunod sa kahit anong partisan kaya’t ito ay nagkaroon ng malayang taludturan, walang sukat, atbp.

            Sa pangkalahatan ang “Mutya” ay isang paghahalo ng tradisyunal at modernong literatura. Napakaganda ng paghandog ng mga aktor at aktres ng mga ideya na nakapapaloob sa mga dula. Ang dulang “Mga Santong Tao” ay masasabing isang umiikot sa isang tradisyunal na konsepto habang ang dula na “Ang Sistema ni Propersor Tuko” ay nakapapaploob sa konsepto ng modernong literature.

*Labis na pagpapasalamat sa Guidon sa mga larawan.