Tuesday, 4 September 2012

Buhay kong aking mahal XD

 My life is full of metanarratives. -_-


Una sa lahat nung isang araw ko lang narinig ang salita na "Metanarrative" kaya sa tingin ko baka di rin ninyo alam kung ano ang kahulugan nito. Ang Metanarrative ayon kay Lyotard as isang type ng grand narrative. Ang konsepto ng grand narrative ay umiikot sa kaisipan na ang lahat na mga pangyayari na naganap ay mayroong interconnection.

Ang aking buhay ayg puno pala ng mga Metanarratives! Isang halimbawa na makikita sa akin at sa aking mga kamagaral ay ang metanarative na ang pagtatapos sa pagaaral ay magbibigay sa atin ng trabaho. Itong pagiisip na ito ay matagal ng nakatatak  sa mga kaisipan ng bawat indibidwal sa simula pala ng buhay nila. Minsan nga di mo alam na ang buhay mo pala ay umiikot sa mga "grand narratives" na mga ito.


Ang iba pang halimbawa ng mga metanarrative sa aking buhay ay ang pagiisip na bilang isang tao tayo ay natural na mayroong kasalanan ngunit bilang Kristiyano mayroong paraan para makamit ang kapayapaan pagkatapos ng buhay na ito, ang paraan na ito ay kaligtasan sa pamamgitan ng pagtanggap kay Kristo. Itong metanarrative na ito ay di lang makikita sa akin sapagkat ang ating bansa, na halata  namang may Katolikong impluwensya, ay kasama din sa konsepto ng ganitong metanarrative.

At ang panghuli ko namang halimbawa ng metanarrative sa aking buhay ay ang pagiisip na : Do good unto others and in the end they will also be good unto you. Ang metanarrative na ito ay sadyang humuhugis sa aking pagkatao at kahit nga parang di na uso ang ganitong pagiisip sa kasalukuyang panahon natin ito pa rin ay isang importanteng aspeto ng aking pagtingin sa mga kapwa kamagaral, kaibigan, atbp.

Makikita natin dito sa metanarratives na aking mga ipinahayag na ang mga pagkadugtong-dugtong ng mga pangyayari ay mayroong malalim na koneksyon. Ngunit di ba't parang ang boring ng buhay kung alam mo na kung ano ang mangyayari sa huli? Di ba't parang napakbabaw ng ating kaligayahan na makukuha sa mga karanasang ating alam na nating makukuha? What's life if you don't have risks? At ang risks na aking sinasabi ay di makukuha kung alam mo ang mga susunod na mangyari. Ang mga grand narratives na aking mga ipinahayag kanina ay tunay at di talaga maalis sa bawat buhay ng isang tao ngunit di kinakailangan umiikot lang dito ang buhay natin. We should try to live in a world where nobody knows what to expect :)

1 comment:

  1. maaari kayang ituring ang mga asal bilang metanarrative?

    ReplyDelete